Grade 3 Masipag

Grade 3 Masipag

Kasama ko si Probee Jeff sa Baquero Norte IS upang mag-alok ng Kaibigan Card Guro at workshop sa mga estudyante. Bago kami maglibot at pumasok sa mga kuwarto ay nagpaalam muna kami sa kanilang butihing Principal na si Maam Evelyn. Nag-umpisa kaming mag-alok sa Kinder hanggang sa nakarating kami sa Grade 3 Masipag.
Nabigla ako dahil kakaiba ang kanilang ginawang pagbati. Isa-isa silang nagmano at yumakap na nagpangiti sa akin. Sa tinagal ko sa Pandayan ay ngayon lang ako naka-encounter ng mga batang nagmamano at yumayakap sa mga bisita. Ang pagmamano ay isang paggalang sa mga nakakatanda. Nakakatuwa dahil patuloy pa rin itong ginagawa at itinuturo sa paaralan.
Habang ako ay nagsasalita sa harapan ay tahimik din silang nakikinig at kung may katanungan ay nagtataas sila ng kamay. Sa aming pag-alis ay nagpaalam sila ng maayos, “Paalam Visitors,” ang kanilang binanggit.